કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ

પેજ નંબર:close

external-link copy
79 : 12

قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِ أَن نَّأۡخُذَ إِلَّا مَن وَجَدۡنَا مَتَٰعَنَا عِندَهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّظَٰلِمُونَ

Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "[Humihiling ako ng] pagkupkop ni Allāh, na lumabag kami sa katarungan sa isang walang-sala dahil sa krimen ng isang tagalabag sa katarungan, para manghuli kami ng iba pa sa sinumang makatatagpo kami ng salop ng hari sa sisidlan niya; tunay na kami, kung gagawa kami niyon, ay talagang mga tagalabag sa katarungan, yayamang magpaparusa kami sa isang walang-sala at mag-iiwan kami sa isang may-sala." info
التفاسير:

external-link copy
80 : 12

فَلَمَّا ٱسۡتَيۡـَٔسُواْ مِنۡهُ خَلَصُواْ نَجِيّٗاۖ قَالَ كَبِيرُهُمۡ أَلَمۡ تَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ أَبَاكُمۡ قَدۡ أَخَذَ عَلَيۡكُم مَّوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَمِن قَبۡلُ مَا فَرَّطتُمۡ فِي يُوسُفَۖ فَلَنۡ أَبۡرَحَ ٱلۡأَرۡضَ حَتَّىٰ يَأۡذَنَ لِيٓ أَبِيٓ أَوۡ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ لِيۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ

Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa pagtugon ni Jose sa hiling nila, nagsarilinan sila palayo sa mga tao para magsanggunian. Nagsabi ang kapatid nilang matanda: "Nagpapaalaala ako sa inyo na ang ama ninyo ay tumanggap sa inyo ng pangako kay Allāh, na nagbibigay-diin na magsauli kayo sa kanya ng anak niya malibang pumalibot sa inyo ang hindi ninyo nakakayang pigilin. Bago pa niyon, nagwalang-bahala nga kayo kaugnay kay Jose at hindi kayo tumupad sa pangako ninyo sa ama ninyo kaugnay kay Jose. Kaya hindi ako mag-iiwan sa Lupain ng Ehipto hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko na bumalik sa kanya o humusga si Allāh sa akin ng pagkuha sa kapatid ko. Si Allāh ay ang pinakambuti sa mga tagahusga sapagkat Siya ay humuhusga ayon sa katotohanan at katarungan." info
التفاسير:

external-link copy
81 : 12

ٱرۡجِعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيكُمۡ فَقُولُواْ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّ ٱبۡنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدۡنَآ إِلَّا بِمَا عَلِمۡنَا وَمَا كُنَّا لِلۡغَيۡبِ حَٰفِظِينَ

Nagsabi ang kapatid na matanda: "Manumbalik kayo sa ama ninyo saka sabihin ninyo sa kanya: 'Tunay na ang anak mo ay nagnakaw, kaya inalipin siya ng makapangyarihan ng Ehipto bilang kaparusahan sa kanya sa pagnanakaw niya. Wala kaming ipinabatid kundi ayon sa nalaman namin mula sa pagkasaksi namin sa salop na inilabas mula sa sisidlan niya. Hindi kami nagkaroon ng kaalaman na siya ay nagnanakaw. Kung sakaling nalaman namin iyon ay hindi sana kami nakipagkasunduan sa iyo ng pagsasauli sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
82 : 12

وَسۡـَٔلِ ٱلۡقَرۡيَةَ ٱلَّتِي كُنَّا فِيهَا وَٱلۡعِيرَ ٱلَّتِيٓ أَقۡبَلۡنَا فِيهَاۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ

Upang makapagpatunay ka sa katapatan namin, magtanong ka po, O ama namin, sa mga mamamayan ng Ehipto na kami dati ay naroon at magtanong ka po sa mga kasamahan sa karaban na pumunta kami kasama ng mga iyon, magpapabatid sila sa iyo ng ipinabatid namin sa iyo. Tunay na kami ay totohanang talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo hinggil sa kanya na pagnanakaw niya.'" info
التفاسير:

external-link copy
83 : 12

قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٌۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَأۡتِيَنِي بِهِمۡ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Ang usapin ay hindi gaya ng binanggit ninyo na pangyayaring siya ay nagnakaw, bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo na manlansi kayo sa kanya kung paanong nanlansi kayo sa kapatid niyang si Jose bago pa niyan. Kaya ang pagtitiis ko ay isang pagtitiis na marilag: walang hinaing dito kundi kay Allāh. Sana si Allāh ay magsauli sa kanila sa akin sa kalahatan: si Jose at ang kapatid niyang buo, at ang matandang kapatid nilang dalawa. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Maalam sa kalagayan ko, ang Marunong sa pangangasiwa Niya sa nauukol sa akin." info
التفاسير:

external-link copy
84 : 12

وَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَٰٓأَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَٱبۡيَضَّتۡ عَيۡنَاهُ مِنَ ٱلۡحُزۡنِ فَهُوَ كَظِيمٞ

Lumayo siya na umaayaw sa kanila at nagsabi: "Ah, ang tindi ng lungkot ko dahil kay Jose!" Ang kaitiman ng mga mata niya ay naging kaputian dahil sa dalas ng pag-iyak niya dahil kay Jose sapagkat siya ay puno ng kalungkutan at pag-aalala. Nagkukubli siya ng lungkot niya sa mga tao. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 12

قَالُواْ تَٱللَّهِ تَفۡتَؤُاْ تَذۡكُرُ يُوسُفَ حَتَّىٰ تَكُونَ حَرَضًا أَوۡ تَكُونَ مِنَ ٱلۡهَٰلِكِينَ

Nagsabi ang mga kapatid ni Jose sa ama nila: "Sumpa man kay Allāh, hindi ka tumitigil, O ama namin, na umaalaala kay Jose at nagdurusa dahil sa kanya hanggang sa tumindi sa iyo ang karamdaman o mapahamak ka talaga." info
التفاسير:

external-link copy
86 : 12

قَالَ إِنَّمَآ أَشۡكُواْ بَثِّي وَحُزۡنِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hindi ako naghihinaing ng dumapo sa akin na pagkahapis at lungkot kundi kay Allāh lamang at nakaaalam ako mula sa kabaitan ni Allāh, paggawa Niya ng maganda, pagtugon Niya sa nagigipit, at ganti Niya sa nagdurusa ng hindi ninyo nalalaman mismo." info
التفاسير:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• لا يجوز أخذ بريء بجريرة غيره، فلا يؤخذ مكان المجرم شخص آخر.
Hindi pinapayagan ang pagdakip sa walang-sala dahil sa sala ng iba pa sa kanya kaya hindi dadakpin kapalit ng salarin ang iba pang tao. info

• الصبر الجميل هو ما كانت فيه الشكوى لله تعالى وحده.
Ang pagtitiis na maganda ay ang anumang may paghihinaing kay Allāh lamang – pagkataas-taas Siya. info

• على المؤمن أن يكون على تمام يقين بأن الله تعالى يفرج كربه.
Kailangan sa mananampalataya na maging nasa kalubusan ng katiyakan na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magpapaginhawa sa mga pighati niya. info