Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) - ñiiɓirde Rowad ngam eggo.

Tonngoode hello ngoo:close

external-link copy
37 : 5

يُرِيدُونَ أَن يَخۡرُجُواْ مِنَ ٱلنَّارِ وَمَا هُم بِخَٰرِجِينَ مِنۡهَاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّقِيمٞ

Magnanais sila na lumabas mula sa Apoy ngunit sila ay hindi mga lalabas mula roon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mananatili. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 5

وَٱلسَّارِقُ وَٱلسَّارِقَةُ فَٱقۡطَعُوٓاْ أَيۡدِيَهُمَا جَزَآءَۢ بِمَا كَسَبَا نَكَٰلٗا مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga [kanang] kamay nila bilang ganti sa nakamit nilang dalawa, bilang parusang panghalimbawa mula kay Allāh. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.[18] info

[18] Ang tinutukoy rito ay ang napatotohanang pagnanakaw ng isang bagay na nagkakahalaga ng ¼ dīnār Islāmiko (1.25 gramo ng ginto o 4,144 Piso) o higit pa, na nakuha sa pamamagitan ng panloloob sa pinagtataguan nito.

التفاسير:

external-link copy
39 : 5

فَمَن تَابَ مِنۢ بَعۡدِ ظُلۡمِهِۦ وَأَصۡلَحَ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَتُوبُ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

Kaya ang sinumang nagbalik-loob matapos na ng kawalang-katarungan niya at nagsaayos, tunay na si Allāh ay tatanggap sa kanya ng pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 5

أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ يُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ وَيَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa; pinagdurusa Niya ang sinumang loloobin Niya at pinatatawad Niya ang sinumang loloobin Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 5

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ لَا يَحۡزُنكَ ٱلَّذِينَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡكُفۡرِ مِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَلَمۡ تُؤۡمِن قُلُوبُهُمۡۛ وَمِنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْۛ سَمَّٰعُونَ لِلۡكَذِبِ سَمَّٰعُونَ لِقَوۡمٍ ءَاخَرِينَ لَمۡ يَأۡتُوكَۖ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ مِنۢ بَعۡدِ مَوَاضِعِهِۦۖ يَقُولُونَ إِنۡ أُوتِيتُمۡ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِن لَّمۡ تُؤۡتَوۡهُ فَٱحۡذَرُواْۚ وَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ فِتۡنَتَهُۥ فَلَن تَمۡلِكَ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمۡۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ

O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: “Sumampalataya kami,” sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang hindi sumampalataya ang mga puso nila, at kabilang sa mga nagpakahudyo. Mga palapakinig sa kasinungalingan, mga palapakinig sa mga ibang taong hindi nakapunta sa iyo, naglilihis sila sa mga salita matapos na [ng pagkalagay] ng mga katuturan ng mga ito. Nagsasabi sila: “Kung binigyan kayo nito ay kunin ninyo, at kung hindi kayo binigyan nito ay mangilag kayo. Ang sinumang nagnais si Allāh ng tukso sa kanya ay hindi ka makapangyayari para sa kanya laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga hindi nagnais si Allāh na magdalisay sa mga puso nila. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan. info
التفاسير: