ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) - مركز ترجمه‌ى رواد

شماره صفحه:close

external-link copy
38 : 3

هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُۥۖ قَالَ رَبِّ هَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ ذُرِّيَّةٗ طَيِّبَةًۖ إِنَّكَ سَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ

Doon dumalangin si Zacarias sa Panginoon niya. Nagsabi siya: “Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang supling na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin.” info
التفاسير:

external-link copy
39 : 3

فَنَادَتۡهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَهُوَ قَآئِمٞ يُصَلِّي فِي ٱلۡمِحۡرَابِ أَنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحۡيَىٰ مُصَدِّقَۢا بِكَلِمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَسَيِّدٗا وَحَصُورٗا وَنَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: “Si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos.” info
التفاسير:

external-link copy
40 : 3

قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَقَدۡ بَلَغَنِيَ ٱلۡكِبَرُ وَٱمۡرَأَتِي عَاقِرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكَ ٱللَّهُ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ

Nagsabi ito: “Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang umabot na sa akin ang katandaan at ang maybahay ko naman ay baog?” Nagsabi Siya: “Gayon si Allāh, gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya.” info
التفاسير:

external-link copy
41 : 3

قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٍ إِلَّا رَمۡزٗاۗ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ كَثِيرٗا وَسَبِّحۡ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ

Nagsabi ito: “Panginoon ko, gumawa Ka para sa akin ng isang tanda.” Nagsabi Siya: “Ang tanda mo ay na hindi ka makipag-usap sa mga tao nang tatlong araw malibang sa senyas. Alalahanin mo ang Panginoon mo nang madalas at magluwalhati ka sa hapon at umaga.” info
التفاسير:

external-link copy
42 : 3

وَإِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰكِ وَطَهَّرَكِ وَٱصۡطَفَىٰكِ عَلَىٰ نِسَآءِ ٱلۡعَٰلَمِينَ

[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: “O Maria, tunay na si Allāh ay humirang sa iyo, nagdalisay[7] sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang. info

[7] sa mga kapintasan at kawalang-pananampalataya.

التفاسير:

external-link copy
43 : 3

يَٰمَرۡيَمُ ٱقۡنُتِي لِرَبِّكِ وَٱسۡجُدِي وَٱرۡكَعِي مَعَ ٱلرَّٰكِعِينَ

O Maria, magmasunurin ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at yumukod ka kasama ng mga yumuyukod [sa pagdarasal]. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 3

ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۚ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يُلۡقُونَ أَقۡلَٰمَهُمۡ أَيُّهُمۡ يَكۡفُلُ مَرۡيَمَ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ

Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo [O Propeta]. Wala ka noon sa piling nila noong nagpapalabunutan sila sa mga panulat nila kung alin sa kanila ang mag-aaruga kay Maria at wala ka noon sa piling nila noong nag-aalitan sila. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 3

إِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٖ مِّنۡهُ ٱسۡمُهُ ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ وَجِيهٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ

[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: “O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh]. info
التفاسير: