আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ - মৰ্কজ ৰুওৱাদুত তাৰ্জামা

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
19 : 14

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ

Hindi mo ba nakita[5] na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay makapag-aalis Siya sa inyo at makagagawa Siya ng isang bagong nilikha. info

[5] O nalaman

التفاسير:

external-link copy
20 : 14

وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ

Hindi iyon kay Allāh mahirap. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 14

وَبَرَزُواْ لِلَّهِ جَمِيعٗا فَقَالَ ٱلضُّعَفَٰٓؤُاْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعٗا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا مِنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ قَالُواْ لَوۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ لَهَدَيۡنَٰكُمۡۖ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَجَزِعۡنَآ أَمۡ صَبَرۡنَا مَا لَنَا مِن مَّحِيصٖ

Tatambad sila kay Allāh nang lahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: “Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh?” Magsasabi ang mga iyon: “Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung naligalig tayo o nagtiis tayo; walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan.” info
التفاسير:

external-link copy
22 : 14

وَقَالَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَمَّا قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمۡ وَعۡدَ ٱلۡحَقِّ وَوَعَدتُّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُكُمۡۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّآ أَن دَعَوۡتُكُمۡ فَٱسۡتَجَبۡتُمۡ لِيۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوٓاْ أَنفُسَكُمۖ مَّآ أَنَا۠ بِمُصۡرِخِكُمۡ وَمَآ أَنتُم بِمُصۡرِخِيَّ إِنِّي كَفَرۡتُ بِمَآ أَشۡرَكۡتُمُونِ مِن قَبۡلُۗ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Magsasabi ang demonyo kapag tinapos ang pasya: “Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi ako nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan maliban na nag-anyaya ako sa inyo saka tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag kayong manisi sa akin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasalba sa inyo at hindi kayo makasasalba sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] bago pa niyan.” Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan,[6] ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. info

[6] dahil sa pagtatambal kay Allāh at pagkamatay nang hindi nagsisisi

التفاسير:

external-link copy
23 : 14

وَأُدۡخِلَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡۖ تَحِيَّتُهُمۡ فِيهَا سَلَٰمٌ

Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 14

أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا كَلِمَةٗ طَيِّبَةٗ كَشَجَرَةٖ طَيِّبَةٍ أَصۡلُهَا ثَابِتٞ وَفَرۡعُهَا فِي ٱلسَّمَآءِ

Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang salitang kaaya-aya na gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit? info
التفاسير: