আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
20 : 77

أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ

Hindi ba Kami lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa likidong kadusta-dusta na kaunti – ang patak [ng punlay], info
التفاسير:

external-link copy
21 : 77

فَجَعَلۡنَٰهُ فِي قَرَارٖ مَّكِينٍ

saka naglagay Kami ng likidong hamak na iyon sa isang lugar na pinangangalagaan, ang sinapupunan ng babae, info
التفاسير:

external-link copy
22 : 77

إِلَىٰ قَدَرٖ مَّعۡلُومٖ

hanggang sa isang yugtong nalalaman, ang yugto ng pagbubuntis? info
التفاسير:

external-link copy
23 : 77

فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَٰدِرُونَ

Saka nagtakda Kami ng katangian ng ipanganganak, kahalagahan nito, kulay nito, at iba pa roon; saka kay inam Kami, ang Tagapagtakda para roon sa kabuuan niyon! info
التفاسير:

external-link copy
24 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa kakayahan ni Allāh! info
التفاسير:

external-link copy
25 : 77

أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا

Hindi ba Kami gumawa sa lupa na nag-iipon sa mga tao sa kalahatan? info
التفاسير:

external-link copy
26 : 77

أَحۡيَآءٗ وَأَمۡوَٰتٗا

Nag-iipon ito ng mga buhay nila sa pamamagitan ng pagtahan sa ibabaw nito at paglinang nito at ng mga patay nila sa pamamagitan ng paglilibing dito. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 77

وَجَعَلۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ شَٰمِخَٰتٖ وَأَسۡقَيۡنَٰكُم مَّآءٗ فُرَاتٗا

Naglagay Kami rito ng mga bundok na matatatag na pumipigil dito sa pagkaalog, na matataas; at nagpainom Kami sa inyo, O mga tao, ng isang tubig tabang. Kaya ang lumikha niyon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbuhay sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa mga biyaya ni Allāh sa kanila! info
التفاسير:

external-link copy
29 : 77

ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ

Sasabihin sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo nila: "Maglakbay kayo, O mga tagapagpasinungaling, tungo sa dati ninyong pinasisinungalingan na pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 77

ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ ظِلّٖ ذِي ثَلَٰثِ شُعَبٖ

Maglakbay kayo tungo sa aninong mula sa usok ng Impiyerno na nagkabaha-bahagi sa tatlong bahagi. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 77

لَّا ظَلِيلٖ وَلَا يُغۡنِي مِنَ ٱللَّهَبِ

Wala roong lamig ng mga lilim at hindi makapipigil sa liyab ng Apoy at init nito na manuot sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
32 : 77

إِنَّهَا تَرۡمِي بِشَرَرٖ كَٱلۡقَصۡرِ

Tunay na ang Apoy ay bumabato ng mga alipato na ang bawat alipato ay tulad ng palasyo sa laki nito. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 77

كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٞ صُفۡرٞ

Para bang ang mga alipatong ibinabato, sa kaitiman ng mga ito at laki ng mga ito, ay mga kamelyong itim. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusang dulot ni Allāh! info
التفاسير:

external-link copy
35 : 77

هَٰذَا يَوۡمُ لَا يَنطِقُونَ

Ito ay Araw na hindi sila magsasalita roon ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 77

وَلَا يُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَيَعۡتَذِرُونَ

Hindi magpapahintulot sa kanila na magdahi-dahilan sila sa Panginoon nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga masagwang gawa nila para magdahi-dahilan sila sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa mga ulat ng Araw na ito! info
التفاسير:

external-link copy
38 : 77

هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِينَ

Ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha; magtitipon Kami sa inyo at sa mga kalipunang nauna sa nag-iisang larangan. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 77

فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَيۡدٞ فَكِيدُونِ

Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi na ipanlalansi ninyo para makaligtas sa pagdurusang dulot Ko ay manlansi kayo laban sa Akin. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa Araw ng Pagpapasya! info
التفاسير:

external-link copy
41 : 77

إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي ظِلَٰلٖ وَعُيُونٖ

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga lilim ng mga malabay na punong-kahoy ng Paraiso at mga bukal ng tubig tabang na dumadaloy, info
التفاسير:

external-link copy
42 : 77

وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشۡتَهُونَ

at mga prutas mula sa anumang ninanasa nilang kainin. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 77

كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Sasabihin sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at uminom kayo ng inumang kaiga-igaya na walang panligalig dito, dahil sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos." info
التفاسير:

external-link copy
44 : 77

إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Tunay na Kami, tulad ng ganting ito na ipinangganti Namin sa inyo, ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda sa mga gawain nila. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa inihanda ni Allāh para sa mga tagapangilag magkasala! info
التفاسير:

external-link copy
46 : 77

كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ

Sasabihin sa mga tagapagpasinungaling: "Kumain kayo at magtamasa kayo ng mga minamasarap ng buhay sa kaunting panahon sa Mundo; tunay na kayo, dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo Niya, ay mga salarin." info
التفاسير:

external-link copy
47 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa pagganti sa kanila sa Araw ng Paggantimpala! info
التفاسير:

external-link copy
48 : 77

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا يَرۡكَعُونَ

Kapag sinabi sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Magdasal kayo kay Allāh," hindi sila nagdarasal sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 77

وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh! info
التفاسير:

external-link copy
50 : 77

فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ

Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito na pinababa mula sa Panginoon nila, sa aling pag-uusap na iba pa rito sasampalataya sila? info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• رعاية الله للإنسان في بطن أمه.
Ang pag-aalaga ni Allāh para sa tao habang nasa tiyan ng ina nito. info

• اتساع الأرض لمن عليها من الأحياء، ولمن فيها من الأموات.
Ang pagkalawak ng lupa para sa sinumang narito na mga buhay at para sa sinumang narito na mga patay. info

• خطورة التكذيب بآيات الله والوعيد الشديد لمن فعل ذلك.
Ang panganib ng pagpapasinungaling sa mga tanda ni Allāh at ang bantang matindi para sa sinumang gumawa niyon. info