আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
5 : 63

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ يَسۡتَغۡفِرۡ لَكُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوۡاْ رُءُوسَهُمۡ وَرَأَيۡتَهُمۡ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ

Kapag sinabi sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Halikayo sa Sugo ni Allāh bilang mga humihingi ng paumanhin sa namutawi sa inyo, hihiling siya mula Allāh para sa inyo ng kapatawaran para sa mga pagkakasala ninyo," ay nagkikiling sila ng mga ulo nila bilang pangungutya at bilang panunuya, at nakakikita ka sa kanila na umaayaw sa ipinag-uutos sa kanila habang sila ay mga nagmamalaki palayo sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapasakop dito. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 63

سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ أَسۡتَغۡفَرۡتَ لَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ لَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

Nagkakapantay ang paghiling mo, O Sugo, ng kapatawaran para sa mga pagkakasala nila at ang kawalan ng paghiling mo ng kapatawaran para sa kanila; hindi magpapatawad si Allāh sa kanila sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong lumalabas sa pagtalima sa Kanya, na mga nagpupumilit sa pagsuway sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 63

هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ

Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol ng mga yaman ninyo sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh na mga maralita at mga Arabeng disyerto sa paligid ng Madīnah hanggang sa magkawatak-watak sila palayo sa kanya." Sa kay Allāh lamang ang mga ingatang-yaman ng mga langit at ang mga ingatang-yaman ng lupa; nagtutustos Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam na ang mga ingatang-yaman ng panustos ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 63

يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعۡنَآ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ لَيُخۡرِجَنَّ ٱلۡأَعَزُّ مِنۡهَا ٱلۡأَذَلَّۚ وَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَعۡلَمُونَ

Nagsasabi ang ulo nilang si `Abdullāh bin Ubayy: "Talagang kung manunumbalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan – ako at ang mga tao ko – mula roon sa pinakaaba – sina Muḥammad at ang mga Kasamahan Niya." Sa kay Allāh lamang ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, at hindi kay `Abdullāh bin Ubayy at sa mga kasamahan nito, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam na ang kapangyarihan ay sa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 63

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُلۡهِكُمۡ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag umabala sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pagdarasal o iba pa rito kabilang sa mga tungkulin sa Islām. Ang sinumang inabala ng mga yaman niya at mga anak niya palayo isinatungkulin ni Allāh sa kanya na pagdarasal at iba pa rito, ang mga iyon ay ang mga lugi, sa totoo, na nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 63

وَأَنفِقُواْ مِن مَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh mula sa mga yaman bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan para magsabi: "Panginoon ko, bakit kaya hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang yugtong madali para magkawanggawa ako mula sa yaman ko sa landas Mo at ako ay maging kabilang sa mga lingkod Mong mga maayos, na umayos ang mga gawain nila." info
التفاسير:

external-link copy
11 : 63

وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَاۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Hindi mag-aantala si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito at nagwakas ang buhay nito. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito. Kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti]. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• الإعراض عن النصح والتكبر من صفات المنافقين.
Ang pag-ayaw sa payo at ang pagkamapagmalaki ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw. info

• من وسائل أعداء الدين الحصار الاقتصادي للمسلمين.
Kabilang sa mga kaparaanan ng mga kaaway ng Relihiyon ay ang pangkukubkob pang-ekonomiya sa mga Muslim. info

• خطر الأموال والأولاد إذا شغلت عن ذكر الله.
Ang panganib ng mga yaman at mga anak kapag umabala ang mga ito sa pag-alaala kay Allāh. info