আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
14 : 45

قُل لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَغۡفِرُواْ لِلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ أَيَّامَ ٱللَّهِ لِيَجۡزِيَ قَوۡمَۢا بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa Sugo Niya: "Magpalampas kayo sa sinumang gumawa ng masagwa sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na hindi pumapansin sa mga biyaya ni Allāh o mga salot Niya sapagkat tunay na si Allāh ay gaganti sa bawat isa sa mga mananampalatayang nagtitiis at mga tagatangging sumampalatayang lumalabag, dahil sa dati nilang nakakamit na mga gawa sa Mundo." info
التفاسير:

external-link copy
15 : 45

مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۖ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ

Ang sinumang gumawa ng gawang maayos, ang resulta ng gawa niyang maayos ay para sa kanya. Si Allāh ay Walang-pangangailangan sa gawa niya. Ang sinumang nagpasagwa ng gawa niya, ang resulta ng gawa niyang masagwa ay sa kanya ang parusa nito. Si Allāh ay hindi napipinsala ng paggawa niya ng masama. Pagkatapos tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay upang gumanti Siya sa bawat isa ayon nagiging karapat-dapat dito. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 45

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

Talaga ngang nagbigay Kami sa mga anak ni Israel ng Torah at pagpapasya sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng hatol nito. Gumawa Kami sa karamihan ng mga propeta mula sa kanila mula sa mga supling ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tumustos Kami sa kanila mula sa mga uri ng mga kaaya-ayang bagay at nagtangi Kami sa kanila higit sa mga nilalang ng panahon nila. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 45

وَءَاتَيۡنَٰهُم بَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِۖ فَمَا ٱخۡتَلَفُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayang nagpapaliwanag sa katotohanan mula sa kabulaanan ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang noong matapos na nailatag ang mga katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propeta Naming si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya. Walang humila sa kanila sa pagkakaiba-ibang ito kundi ang paglabag nila sa isa't isa dala ng sigasig sa pamumuno at impluwensiya. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa kung sino noon ang nagtototoo at kung sino noon ang nagbubulaan. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 45

ثُمَّ جَعَلۡنَٰكَ عَلَىٰ شَرِيعَةٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ فَٱتَّبِعۡهَا وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ

Pagkatapos naglagay Kami sa iyo sa isang daan, isang kalakaran, at isang pamamaraan mula sa kautusan Namin na ipinag-utos Namin sa bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin. Nag-aanyaya ito sa pananampalataya at gawang maayos, kaya sumunod ka sa batas na ito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam sa katotohanan sapagkat ang mga pithaya nila ay nagpapaligaw palayo sa katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 45

إِنَّهُمۡ لَن يُغۡنُواْ عَنكَ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۚ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۖ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُتَّقِينَ

Tunay na ang mga hindi nakaaalam sa katotohanan ay hindi makapipigil palayo sa iyo ng anuman mula sa pagdurusang dulot ni Allāh, kung sinunod mo ang mga pithaya nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa lahat ng mga kapaniwalaan at mga relihiyon, ang iba sa kanila ay tagapag-adya ng iba at tagaalalay nito laban sa mga mananampalataya. Si Allāh ay tagapag-adya ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 45

هَٰذَا بَصَٰٓئِرُ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ

Ang Qur’an na ito na pinababa sa Sugo Namin ay mga pagpapatalos na nakatatalos sa pamamagitan ng mga ito ang mga tao sa katotohanan mula sa kabulaanan, isang kapatnubayan tungo sa katotohanan, at isang awa para sa mga taong nakatitiyak dahil sila ay ang mga napapatnubayan sa pamamagitan nito tungo sa landasing tuwid upang malugod sa kanila ang Panginoon nila para magpapasok Siya sa kanila sa Paraiso at mag-alis Siya sa kanila sa Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 45

أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ ٱجۡتَرَحُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن نَّجۡعَلَهُمۡ كَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَوَآءٗ مَّحۡيَاهُمۡ وَمَمَاتُهُمۡۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ

O nagpapalagay ba ang mga nagkamit sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan nila ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway na magtuturing sa kanila sa pagganti tulad ng mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos sa paraang magpapantay sila sa Mundo at Kabilang-buhay? Kay pangit ang hatol nilang ito! info
التفاسير:

external-link copy
22 : 45

وَخَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَلِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa dahil sa kasanhiang malalim at hindi Siya lumikha ng mga ito sa kawalang-kabuluhan at upang gantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na kabutihan o kasamaan habang si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni ng pagdagdag sa mga masagwang gawa nila. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• العفو والتجاوز عن الظالم إذا لم يُظهر الفساد في الأرض، ويَعْتَدِ على حدود الله؛ خلق فاضل أمر الله به المؤمنين إن غلب على ظنهم العاقبة الحسنة.
Ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa tagalabag sa katarungan kapag hindi nagpakita ng katiwalian sa lupa at hindi lumabag sa mga hangganan ni Allāh ay isang kaasalang nakalalamang na ipinag-utos ni Allāh sa mga mananampalataya kung nanaig sa palagay nila ang kahihinatnang maganda. info

• وجوب اتباع الشرع والبعد عن اتباع أهواء البشر.
Ang pagkatungkulin ng pagsunod sa Batas ng Islām at ang paglayo sa pagsunod sa mga pithaya ng tao. info

• كما لا يستوي المؤمنون والكافرون في الصفات، فلا يستوون في الجزاء.
Kung paanong hindi nagkakapantay sa mga katangian ang mga mananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya, hindi sila nagkakapantay sa ganti. info

• خلق الله السماوات والأرض وفق حكمة بالغة يجهلها الماديون الملحدون.
Ang paglikha ni Allāh ng mga langit at lupa ay alinsunod sa isang kasanhiang malalim na hindi nalalaman ng mga materyalistang ateista. info