আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
39 : 41

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنَّكَ تَرَى ٱلۡأَرۡضَ خَٰشِعَةٗ فَإِذَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهَا ٱلۡمَآءَ ٱهۡتَزَّتۡ وَرَبَتۡۚ إِنَّ ٱلَّذِيٓ أَحۡيَاهَا لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

Kabilang sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya, at sa kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli ay na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay walang halaman ngunit kapag nagpababa sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay kumikilos ito dahilan sa paglago ng nakatago rito na mga binhi at umaangat ito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa lupang patay sa pamamagitan ng halaman ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay at tagabuhay sa kanila para sa pagtutuos at pagganti. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan ang pagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito ni ang pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay na muli sa kanila mula sa mga libingan nila. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 41

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُلۡحِدُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا لَا يَخۡفَوۡنَ عَلَيۡنَآۗ أَفَمَن يُلۡقَىٰ فِي ٱلنَّارِ خَيۡرٌ أَم مَّن يَأۡتِيٓ ءَامِنٗا يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ ٱعۡمَلُواْ مَا شِئۡتُمۡ إِنَّهُۥ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

Tunay na ang mga kumikiling kaugnay sa mga tanda ni Allāh palayo sa katumpakan sa pamamagitan ng pagkakaila sa mga ito, pagpapasinungaling sa mga ito, at paglilihis [ng kahulugan] ng mga ito ay hindi nakakukubli ang kalagayan nila sa Kanya sapagkat Siya ay nakaaalam sa kanila. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mainam o ang sinumang pupunta sa Araw ng Pagbangon nang ligtas mula sa pagdurusa? Gawin ninyo, O mga tao, ang niloob ninyo na kabutihan at kasamaan sapagkat nilinaw na para sa inyo ang kabutihan at ang kasamaan. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo kabilang sa dalawang ito ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa mga gawa ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 41

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلذِّكۡرِ لَمَّا جَآءَهُمۡۖ وَإِنَّهُۥ لَكِتَٰبٌ عَزِيزٞ

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh ay talagang mga pagdurusahin sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan, matatag, na hindi nakakaya ng isang tagapaglihis ng kahulugan na maglihis ng kahulugan nito ni ng isang tagapagpalit na magpalit nito. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 41

لَّا يَأۡتِيهِ ٱلۡبَٰطِلُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَلَا مِنۡ خَلۡفِهِۦۖ تَنزِيلٞ مِّنۡ حَكِيمٍ حَمِيدٖ

Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito sa pamamagitan ng pagbabawas o pagdaragdag o pagpapalit o paglilihis ng kahulugan. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pagbabatas Niya; Pinapupurihan sa bawat kalagayan. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 41

مَّا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدۡ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِن قَبۡلِكَۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغۡفِرَةٖ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٖ

Walang sinasabi sa iyo, O Sugo, na pagpapasinungaling malibang sinabi na sa mga sugo bago mo pa, kaya magtiis ka sapagkat tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya at may parusang nakasasakit para sa sinumang nagpumilit sa mga pagkakasala niya at hindi nagbalik-loob. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 41

وَلَوۡ جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا أَعۡجَمِيّٗا لَّقَالُواْ لَوۡلَا فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥٓۖ ءَا۬عۡجَمِيّٞ وَعَرَبِيّٞۗ قُلۡ هُوَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ هُدٗى وَشِفَآءٞۚ وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٞ وَهُوَ عَلَيۡهِمۡ عَمًىۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُنَادَوۡنَ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ

Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur'ān na ito sa hindi wika ng mga Arabe ay talaga sanang nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Bakit kaya hindi nilinaw ang mga talata nito upang makaintindi tayo sa mga ito? Ang Qur'ān ba ay magiging di-Arabe at ang naghatid nito ay isang Arabe?" Sabihin mo, o Sugo, sa mga ito: "Ang Qur'ān – para sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa mga sugo Niya – ay isang kapatnubayan laban sa pagkaligaw at isang lunas sa nasa mga dibdib na kamangmangan at anumang sumusunod dito." Ang mga hindi sumasampalataya kay Allāh, sa mga tainga nila ay may pagkabingi at ito sa kanila ay pagkabulag: hindi nila naiintindihan ito. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gaya ng tinatawag mula sa isang pook na malayo, kaya paano para sa kanila na makarinig sa tinig ng tagatawag? info
التفاسير:

external-link copy
45 : 41

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya roon at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya roon. Kung hindi dahil sa isang pangako mula kay Allāh na magpasya sa pagitan ng mga tao sa Araw ng Pagbangon hinggil sa ipinagkaiba-iba nila, talaga sanang humatol sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba hinggil sa Torah kaya nilinaw Niya ang nagtototoo at ang nagbubulaan, saka pinarangalan Niya ang nagtototoo at hinamak Niya ang nagbubulaan. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay talagang nasa isang pagdududa sa nauukol sa Qur'ān, na nag-aalinlangan. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 41

مَّنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۗ وَمَا رَبُّكَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ

Ang sinumang gumawa ng gawang maayos, ang pakinabang sa gawa niyang maayos ay manunumbalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napakikinabang ng gawang maayos ng isa man. Ang sinumang gumawa ng gawang masagwa, ang pinsala niyon ay babalik sa kanya sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng isang pagsuway ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya. Gaganti Siya sa bawat isa ng naging karapat-dapat dito. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin Niya sapagkat hindi Siya magbabawas sa kanila ng isang magandang gawa at hindi Siya magdaragdag sa kanila ng isang masagwang gawa. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• حَفِظ الله القرآن من التبديل والتحريف، وتَكَفَّل سبحانه بهذا الحفظ، بخلاف الكتب السابقة له.
Iningatan ni Allāh ang Qur'ān laban sa pagpapalit at paglilihis ng kahulugan. Naggarantiya Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng pag-iingat na ito, na kasalungatan sa mga kasulatang nauna rito. info

• قطع الحجة على مشركي العرب بنزول القرآن بلغتهم.
Ang pagputol ng katwiran sa mga tagapagtambal ng mga Arabe ay dahil sa pagkababa ng Qur'ān sa wika nila. info

• نفي الظلم عن الله، وإثبات العدل له.
Ang pagkakaila sa kawalang-katarungan para kay Allāh at ang pagtitibay sa katarungan para sa Kanya. info