আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
39 : 35

هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَكُمۡ خَلَٰٓئِفَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ فَمَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ إِلَّا مَقۡتٗاۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ إِلَّا خَسَارٗا

Siya ay ang gumawa sa ilan sa inyo, O mga tao, na hahalili sa lupa sa iba pa upang sumulit Siya sa inyo kung papaano kayong gagawa. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at sa inihatid ng mga sugo, ang kasalanan ng kawalang-pananampalataya niya at parusa sa kanya ay manunumbalik sa kanya. Hindi nakapipinsala sa Panginoon niya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – kundi ng isang pagkasuklam na matindi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi yayamang tunay na sila ay nagsasayang ng inihanda ni Allāh para sa kanila sa paraiso kung sakaling sumampalataya sila. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 35

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ شُرَكَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكٞ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا فَهُمۡ عَلَىٰ بَيِّنَتٖ مِّنۡهُۚ بَلۡ إِن يَعِدُ ٱلظَّٰلِمُونَ بَعۡضُهُم بَعۡضًا إِلَّا غُرُورًا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Ano ang nilikha nila mula sa lupa? Lumikha ba sila ng mga bundok nito? Lumikha ba sila ng mga ilog nito? Lumikha ba sila ng mga hayop nito? O na sila ay mga katambal kasama kay Allāh sa paglikha sa mga langit? O nagbigay ba Siya ng isang aklat na nasaad dito na isang katwiran sa katumpakan ng pagsamba nila sa mga pantambal nila? Walang anuman mula roon na nangyayari. Bagkus walang ipinangangako sa isa't isa ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi isang pandaraya." info
التفاسير:

external-link copy
41 : 35

۞ إِنَّ ٱللَّهَ يُمۡسِكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ أَن تَزُولَاۚ وَلَئِن زَالَتَآ إِنۡ أَمۡسَكَهُمَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنۢ بَعۡدِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ حَلِيمًا غَفُورٗا

Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay humahawak sa mga langit at lupa habang pumipigil sa mga ito sa pagkaalis. Talagang kung naalis ang mga ito – kung ipagpapalagay – ay walang isang hahawak sa mga ito sa pag-alis noong matapos Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin: hindi nagmamadali sa kaparusahan, Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 35

وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِن جَآءَهُمۡ نَذِيرٞ لَّيَكُونُنَّ أَهۡدَىٰ مِنۡ إِحۡدَى ٱلۡأُمَمِۖ فَلَمَّا جَآءَهُمۡ نَذِيرٞ مَّا زَادَهُمۡ إِلَّا نُفُورًا

Sumumpa ang mga tagatangging sumampalataya na tagapasinungaling na ito kay Allāh ng isang tiniyak na panunumpang binigyang-diin na talagang kung may pumunta sa kanila na isang sugo mula kay Allāh, na nagbababala sa kanila sa pagdurusang dulot Niya, talagang sila nga ay magiging higit sa pananatili at pagsunod sa katotohanan kaysa sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at iba pa sa mga ito. Ngunit noong dumating sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – bilang isinugo mula sa Panginoon niya, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, walang naidagdag sa kanila ang pagdating niya kundi isang kalayuan sa katotohanan at isang pagkahumaling sa kabulaanan. Kaya hindi sila tumupad sa sinumpaan nilang mga panunumpang binigyang-diin na sila ay maging higit na napatnubayan kaysa sa nauna sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 35

ٱسۡتِكۡبَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَكۡرَ ٱلسَّيِّيِٕۚ وَلَا يَحِيقُ ٱلۡمَكۡرُ ٱلسَّيِّئُ إِلَّا بِأَهۡلِهِۦۚ فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ ٱلۡأَوَّلِينَۚ فَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗاۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَحۡوِيلًا

Ang panunumpa nila kay Allāh ayon sa sinumpaan nila ay hindi dala ng kagandahan ng isang layunin at isang pakay na matino, bagkus dahil sa pagmamalaki sa lupain at pandaraya sa mga tao. Hindi sumasaklaw ang pakanang masagwa kundi sa mga alagad nitong tagapakana. Kaya naghihintay kaya ang mga tagapagmalaking tagapakanang ito ng maliban pa sa matatag na kalakaran ni Allāh. Ito ay ang pagpapahamak sa kanila gaya ng pagpapahamak sa mga tulad nila kabilang sa mga nauna sa kanila? Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga tagapagmalaki ng isang pagpapalit upang hindi ito maganap sa kanila, ni ng isang paglilipat upang maganap ito sa iba pa sa kanila dahil ito ay kalakarang pandiyos na matatag. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 35

أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَكَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُعۡجِزَهُۥ مِن شَيۡءٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَلِيمٗا قَدِيرٗا

Hindi ba humayo ang mga tagapasinungaling sa iyo, kabilang sa [liping] Quraysh, sa lupain para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga nagpasinungaling kabilang sa mga kalipunan bago nila? Hindi ba nangyaring ang wakas ng mga iyon ay isang wakas ng kasagwaan yayamang nagpahamak sa mga iyon si Allāh samantalang ang mga iyon noon ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [liping] Quraysh? Hindi nangyaring si Allāh ay ukol malusutan ng anuman sa mga langit ni sa lupa. Tunay na Siya ay laging Maalam sa mga gawain ng mga tagapasinungaling na ito: walang naililingid sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman at walang nakalulusot sa Kanya, May-kakayahan sa pagpapahamak sa kanila kapag niloob Niya. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• الكفر سبب لمقت الله، وطريق للخسارة والشقاء.
Ang kawalang-pananampalataya ay isang kadahilanan para sa poot ni Allāh at isang daan para sa pagkalugi at pagkalumbay. info

• المشركون لا دليل لهم على شركهم من عقل ولا نقل.
Ang mga tagapagtambal ay walang patunay sa pagtatambal nila mula sa isip o kapahayagan. info

• تدمير الظالم في تدبيره عاجلًا أو آجلًا.
Ang pagwasak sa tagalabag sa katarungan sa pagpapanukala nito sa mabilis o matagal. info