আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
149 : 3

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَرُدُّوكُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ فَتَنقَلِبُواْ خَٰسِرِينَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kung tatalima kayo sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga tagapagtambal sa ipinag-uutos nila sa inyo na pagkaligaw, magpapabalik sila sa inyo, matapos ng pananampalataya ninyo, sa lagay ninyo noon bilang mga tagatangging sumampalataya para bumalik kayo bilang mga lugi sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
150 : 3

بَلِ ٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلنَّٰصِرِينَ

Ang mga tagatangging sumampalatayang ito ay hindi mag-aadya sa inyo kapag tumalima kayo sa kanila, bagkus si Allāh ay ang Tagaadya ninyo laban sa mga kaaway ninyo kaya tumalima kayo sa Kanya. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamabuti sa mga tagapag-adya kaya hindi kayo nangangailangan ng isa pa matapos Niya. info
التفاسير:

external-link copy
151 : 3

سَنُلۡقِي فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلرُّعۡبَ بِمَآ أَشۡرَكُواْ بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗاۖ وَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ وَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلظَّٰلِمِينَ

Pupukol sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng matinding pangamba hanggang sa hindi sila makakaya sa pagpapakatatag sa pakikipaglaban sa inyo dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh ng mga diyos na sinamba nila dahil sa mga pithaya nila, na hindi Siya nagpababa sa kanila para sa mga ito ng isang katwiran. Ang titigilan nilang uuwian nila sa Kabilang-buhay ay ang Apoy. Kay saklap bilang titigilan ng mga tagalabag sa katarungan ang Apoy! info
التفاسير:

external-link copy
152 : 3

وَلَقَدۡ صَدَقَكُمُ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥٓ إِذۡ تَحُسُّونَهُم بِإِذۡنِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا فَشِلۡتُمۡ وَتَنَٰزَعۡتُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِ وَعَصَيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ مَآ أَرَىٰكُم مَّا تُحِبُّونَۚ مِنكُم مَّن يُرِيدُ ٱلدُّنۡيَا وَمِنكُم مَّن يُرِيدُ ٱلۡأٓخِرَةَۚ ثُمَّ صَرَفَكُمۡ عَنۡهُمۡ لِيَبۡتَلِيَكُمۡۖ وَلَقَدۡ عَفَا عَنكُمۡۗ وَٱللَّهُ ذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Talaga ngang tumupad sa inyo si Allāh ng ipinangako Niya sa inyo na pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa Araw ng Uḥud nang kayo noon ay pumapatay sa kanila nang isang matinding pagpatay ayon sa pahintulot Niya – pagkataas-taas Siya – hanggang sa nang naduwag kayo, nanghina kayo sa katatagan sa ipinag-utos sa inyo ng Sugo, nagkaiba-iba kayo sa pagitan ng pananatili sa mga kinaroroonan ninyo o pag-iwan sa mga ito at ng pangangalap ng mga samsam sa digmaan. Sumuway kayo sa Sugo sa utos niya sa inyo na manatili sa mga puwesto ninyo sa bawat kalagayan. Naganap iyon sa inyo nang matapos na ipinakita ni Allāh sa inyo ang iniibig ninyo na pagwawagi sa mga kaaway ninyo. Mayroon sa inyo na nagnanais ng mga samsam sa Mundo. Sila ay ang mga nag-iwan ng mga puwesto nila. Mayroon sa inyo na nagnanais ng gantimpala ng Kabilang-buhay. Sila ay ang mga nanatili sa mga kinaroroonan nila habang mga tumatalima sa utos ng Sugo. Pagkatapos nagpalipat sa inyo si Allāh palayo sa kanila at nagpangibabaw Siya sa kanila laban sa inyo upang sumubok sa inyo para manaig ang mananampalatayang nagtitiis sa pagsubok laban sa sinumang natisod ang paa at nanghina ang sarili. Talaga ngang nagpaumanhin si Allāh sa inyo sa nagawa ninyo na pagsalungat sa utos ng Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Si Allāh ay may-ari ng sukdulang kabutihang-loob sa mga mananampalataya yayamang nagpatnubay Siya sa kanila sa pananampalataya, nagpaumanhin Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila, at naggantimpala Siya sa kanila dahil sa mga kasawian nila.
info
التفاسير:

external-link copy
153 : 3

۞ إِذۡ تُصۡعِدُونَ وَلَا تَلۡوُۥنَ عَلَىٰٓ أَحَدٖ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ فِيٓ أُخۡرَىٰكُمۡ فَأَثَٰبَكُمۡ غَمَّۢا بِغَمّٖ لِّكَيۡلَا تَحۡزَنُواْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا مَآ أَصَٰبَكُمۡۗ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, nang kayo noon ay lumalayo sa kapatagan habang mga tumatakas noong Araw ng Uḥud dahil sa dumapo sa inyo na kabiguan dahil sa pagsuway sa utos ng Sugo. Hindi tumitingin ang isa sa inyo sa isa pa samantalang ang Sugo ay nananawagan sa hulihan ninyo sa pagitan ninyo at ng mga tagapagtambal, habang nagsasabi: "Sa akin, mga lingkod ni Allāh, sa akin mga lingkod ni Allāh." Kaya gumanti sa inyo si Allāh dahil dito ng sakit at kagipitan dahil sa nakaalpas sa inyo na pagwawagi at samsam sa digmaan, na susundan pa ito ng sakit at kagipitan, at dahil sa kumalat sa gitna ninyo na pagkapatay raw sa Propeta. Nagpababa nga Siya sa inyo nito upang hindi kayo malungkot sa nakaalpas sa inyo na pagwawagi at samsam sa digmaan ni sa dumapo sa inyo na pagpatay at sugat, matapos na nakaalam kayo na ang Propeta ay hindi napatay kaya naman gumaan sa inyo ang bawat kasawian at sakit. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga kalagayan ng mga puso ninyo ni sa mga gawain ng mga bahagi ng mga katawan ninyo. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• التحذير من طاعة الكفار والسير في أهوائهم، فعاقبة ذلك الخسران في الدنيا والآخرة.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagtalima sa mga tagatangging sumampalataya at sa pagtahak sa mga pithaya nila sapagkat ang kahihinatnan niyon ay ang pagkalugi sa Mundo at Kabilang-buhay. info

• إلقاء الرعب في قلوب أعداء الله صورةٌ من صور نصر الله لأوليائه المؤمنين.
Ang pagpupukol ng hilakbot sa mga puso ng mga kaaway ni Allāh ay isa sa mga anyo ng pag-aadya ni Allāh sa mga katangkilik Niyang mga mananampalataya. info

• من أعظم أسباب الهزيمة في المعركة التعلق بالدنيا والطمع في مغانمها، ومخالفة أمر قائد الجيش.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagkatalo sa labanan ay ang pagkahumaling sa Mundo, ang pag-iimbot sa mga samsam nito, at ang pagsalungat sa utos ng pinuno ng hukbo. info

• من دلائل فضل الصحابة أن الله يعقب بالمغفرة بعد ذكر خطئهم.
Kabilang sa mga patunay sa kalamangan ng mga Kasamahan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay na si Allāh ay nagpapasunod ng kapatawaran matapos ng pagbanggit ng kamalian nila. info