আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

external-link copy
30 : 29

قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

Nagsabi si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang dumadalangin sa Panginoon niya matapos ng pagmamatigas ng mga kababayan niya at paghiling nila ng pagpapababa ng pagdurusa sa kanila dala ng pagmamaliit sa kanya: "Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo sa lupa dahil sa ipinalalaganap nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway na itinuturing na pangit." info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• عناية الله بعباده الصالحين حيث ينجيهم من مكر أعدائهم.
Ang pagmamalasakit ni Allāh sa mga lingkod Niyang maayos yayamang nagliligtas Siya sa kanila mula sa panlalansi ng mga kaaway nila. info

• فضل الهجرة إلى الله.
Ang kalamangan ng paglikas tungo kay Allāh. info

• عظم منزلة إبراهيم وآله عند الله تعالى.
Ang kadakilaan ng kalagayan ni Abraham at ng mag-anak niya sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• تعجيل بعض الأجر في الدنيا لا يعني نقص الثواب في الآخرة.
Ang pagpapaaga ng ilan sa pabuya sa Mundo ay hindi nangangahulugan ng pagkabawas sa gantimpala sa Kabilang-buhay. info

• قبح تعاطي المنكرات في المجالس العامة.
Ang kapangitan ng paggawa ng mga nakasasama sa mga umpukang pampubliko. info