আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
71 : 28

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلَّيۡلَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِضِيَآءٍۚ أَفَلَا تَسۡمَعُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi na palagiang nagpapatuloy na walang pagkaputol hanggang sa Araw ng Pagbangon, sino ang isang sinasambang iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw tulad ng tanglaw ng maghapon? Kaya hindi ba kayo nakaririnig ng mga katwirang ito at [hindi] kayo nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, na nagdadala sa inyo niyon?" info
التفاسير:

external-link copy
72 : 28

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِلَيۡلٖ تَسۡكُنُونَ فِيهِۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng maghapon na palagiang nagpapatuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon, sino ang isang sinasambang iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon upang mamahinga kayo mula sa hirap ng gawain sa maghapon? Kaya hindi ba kayo nakakikita ng mga tandang ito at [hindi] kayo nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, na nagdadala sa inyo niyon sa kabuuan niyon?" info
التفاسير:

external-link copy
73 : 28

وَمِن رَّحۡمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Bahagi ng awa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na gumawa Siya para inyo, O mga tao, ng gabi bilang tagapagpadilim upang mamahinga kayo roon matapos na naghirap kayo sa isang gawain sa maghapon at gumawa Siya para sa inyo ng maghapon bilang tagapagtanglaw upang magsikap kayo sa paghahanap ng panustos doon, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo at hindi tatangging magpasalamat sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
74 : 28

وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ

[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – habang nagsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong sinasamba bukod pa sa Akin at inaangkin na sila ay mga katambal sa Akin?" info
التفاسير:

external-link copy
75 : 28

وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling, saka magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyo noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," kaya mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay sa kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 28

۞ إِنَّ قَٰرُونَ كَانَ مِن قَوۡمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيۡهِمۡۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلۡعُصۡبَةِ أُوْلِي ٱلۡقُوَّةِ إِذۡ قَالَ لَهُۥ قَوۡمُهُۥ لَا تَفۡرَحۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَرِحِينَ

Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagpakamalaki siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga nakalagak na mga yaman, na tunay na ang mga susi ng mga imbakan niya ay talagang bibigat ang pagpasan sa mga ito para sa pangkat na malakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang matuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan, bagkus nasusuklam Siya sa kanila at magpaparusa Siya sa kanila dahil doon. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 28

وَٱبۡتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنۡيَاۖ وَأَحۡسِن كَمَآ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ وَلَا تَبۡغِ ٱلۡفَسَادَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

Hilingin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh na mga yaman ang gantimpala sa tahanan na pangkabilang-buhay sa pamamagitan ng paggugol nito sa mga uri ng kabutihan, at huwag mong kalimutan ang bahagi mo gaya ng pagkain, pag-inom, kasuutan, at iba pa roon kabilang sa mga biyaya, nang walang pagsasayang at walang kapalaluan. Gumawa ka ng maganda sa pakikitungo sa Panginoon mo at sa mga lingkod Niya kung paanong gumawa Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng maganda sa iyo, at huwag mong hilingin ang kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pag-iwan sa mga pagtalima; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan niyon, bagkus nasusuklam sa kanila." info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• تعاقب الليل والنهار نعمة من نعم الله يجب شكرها له.
Ang pagsasalitan ng gabi at maghapon ay isa sa mga biyaya ni Allāh na kinakailangan ang pagpapasalamat sa mga iyon sa Kanya. info

• الطغيان كما يكون بالرئاسة والملك يكون بالمال.
Ang pagmamalabis, kung paanong nangyayari sa pamumuno at paghahari, ay nangyayari sa yaman. info

• الفرح بَطَرًا معصية يمقتها الله.
Ang pagkatuwa nang kawalang-pakundangan ay isang pagsuway na kinasusuklaman ni Allāh. info

• ضرورة النصح لمن يُخاف عليه من الفتنة.
Ang pangangailangan sa pagpapayo para sa sinumang pinangangambahan sa kanya ang sigalot. info

• بغض الله للمفسدين في الأرض.
Ang pagkasuklam ni Allāh sa mga tagagulo sa lupa. info