আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
38 : 20

إِذۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰٓ

noong nagsiwalat Kami sa ina mo ng isiniwalat kabilang sa ipinangalaga sa iyo ni Allāh laban sa pakana ni Paraon, info
التفاسير:

external-link copy
39 : 20

أَنِ ٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلتَّابُوتِ فَٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ فَلۡيُلۡقِهِ ٱلۡيَمُّ بِٱلسَّاحِلِ يَأۡخُذۡهُ عَدُوّٞ لِّي وَعَدُوّٞ لَّهُۥۚ وَأَلۡقَيۡتُ عَلَيۡكَ مَحَبَّةٗ مِّنِّي وَلِتُصۡنَعَ عَلَىٰ عَيۡنِيٓ

Nag-utos nga Kami nang nagsiwalat Kami sa ina niya na: 'Itapon mo siya, matapos ng kapanganakan niya, sa kahon, itapon mo ang kahon sa ilog saka ihahagis siya ng ilog sa dalampasigan ayon sa utos Namin, saka kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at para sa kanya, si Paraon. Naglagay Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin kaya iibigin ka ng mga tao, at upang maaruga ka sa ilalim ng mata Ko at sa pag-iingat Ko at pag-aalaga Ko." info
التفاسير:

external-link copy
40 : 20

إِذۡ تَمۡشِيٓ أُخۡتُكَ فَتَقُولُ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ مَن يَكۡفُلُهُۥۖ فَرَجَعۡنَٰكَ إِلَىٰٓ أُمِّكَ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَۚ وَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا فَنَجَّيۡنَٰكَ مِنَ ٱلۡغَمِّ وَفَتَنَّٰكَ فُتُونٗاۚ فَلَبِثۡتَ سِنِينَ فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ ثُمَّ جِئۡتَ عَلَىٰ قَدَرٖ يَٰمُوسَىٰ

[Nagmagandang-loob sa iyo] noong lumabas ang babaing kapatid mo, na umuusad sa tuwing umuusad ang baul habang sumusunod doon. Saka nagsabi ito sa nakakuha sa kanya: "Gagabay po kaya ako sa inyo tungo sa mag-iingat sa kanya, magpapasuso sa kanya, at mag-aalaga sa kanya?" Kaya nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagpapabalik sa iyo sa ina mo upang sumaya siya sa pagbabalik mo sa kanya at hindi siya malungkot dahil sa iyo. Nakapatay ka ng koptiko na sinuntok mo ngunit nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagliligtas sa iyo mula sa kaparusahan. Nagligtas Kami sa iyo nang paulit-ulit sa bawat pagsubok na nakaharap mo. Nakalabas ka at namalagi ka ng mga taon sa mga mamayan ng Madyan. Pagkatapos pumunta ka [rito] sa oras na itinakda para sa iyo na pumunta ka rito para sa pakikipag-usap mo, O Moises. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 20

وَٱصۡطَنَعۡتُكَ لِنَفۡسِي

Pumili Ako sa iyo upang ikaw ay maging isang sugo para sa Akin, na magpapaabot ka sa mga tao ng ikinasi Ko sa iyo. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 20

ٱذۡهَبۡ أَنتَ وَأَخُوكَ بِـَٔايَٰتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكۡرِي

Pumunta ka mismo, O Moises, at ang kapatid mong si Aaron kalakip ng mga tanda Kong nagpapatunay sa kakayahan Ko at kaisahan Ko. Huwag kayong dalawang manghina sa pag-aanyaya tungo sa Akin at sa pag-alaala sa Akin. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 20

ٱذۡهَبَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

Pumunta kayong dalawa kay Paraon sapagkat tunay na siya ay lumampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at paghihimagsik kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 20

فَقُولَا لَهُۥ قَوۡلٗا لَّيِّنٗا لَّعَلَّهُۥ يَتَذَكَّرُ أَوۡ يَخۡشَىٰ

Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing mabait na walang karahasan, sa pag-asang magsaalaala siya at mangamba siya kay Allāh para magbalik-loob siya. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 20

قَالَا رَبَّنَآ إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفۡرُطَ عَلَيۡنَآ أَوۡ أَن يَطۡغَىٰ

Nagsabi sina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pangangalaga: "Tunay na kami ay nangangamba na magmadali siya sa kaparusahan bago ng pagkalubos ng paanyaya sa kanya o na lumampas siya sa hangganan sa paglabag sa amin sa katarungan sa pamamagitan ng pagpatay o iba pa." info
التفاسير:

external-link copy
46 : 20

قَالَ لَا تَخَافَآۖ إِنَّنِي مَعَكُمَآ أَسۡمَعُ وَأَرَىٰ

Nagsabi si Allāh sa kanilang dalawa: "Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa sa pag-aadya at pag-alalay; nakaririnig Ako at nakakikita Ako sa nangyayari sa pagitan ninyong dalawa at niya. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 20

فَأۡتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبۡهُمۡۖ قَدۡ جِئۡنَٰكَ بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكَۖ وَٱلسَّلَٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلۡهُدَىٰٓ

Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo, O Paraon, kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin sa pamamagitan ng pagpatay sa mga anak nila at pagpapanatiling buhay sa mga kababaihan nila. Dumating nga kami sa iyo kalakip ng isang patotoo mula sa Panginoon mo sa katapatan namin. Ang katiwasayan mula sa parusa ni Allāh ay ukol sa sinumang sumampalataya at sumunod sa patnubay ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 20

إِنَّا قَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡنَآ أَنَّ ٱلۡعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ

Tunay na kami ay kinasihan nga ni Allāh na ang pagdurusa sa Mundo at Kabilang-buhay ay sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at umayaw sa inihatid ng mga sugo. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 20

قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَٰمُوسَىٰ

Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa inihatid nilang dalawa: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa na inaangkin ninyong dalawa na nagsugo sa inyong dalawa, O Moises?" info
التفاسير:

external-link copy
50 : 20

قَالَ رَبُّنَا ٱلَّذِيٓ أَعۡطَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ خَلۡقَهُۥ ثُمَّ هَدَىٰ

Nagsabi si Moises: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng imahen nito at hugis nitong naaangkop para rito, pagkatapos nagpatnubay sa mga nilikha para sa dahilan ng pagkalikha Niya sa mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
51 : 20

قَالَ فَمَا بَالُ ٱلۡقُرُونِ ٱلۡأُولَىٰ

Nagsabi si Paraon: "Kay paano naman ang pumapatungkol sa mga kalipunang nauna na noon ay nasa kawalang-pananampalataya?" info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• كمال اعتناء الله بكليمه موسى عليه السلام والأنبياء والرسل، ولورثتهم نصيب من هذا الاعتناء على حسب أحوالهم مع الله.
Ang kalubusan ng pagmamalasakit ni Allāh sa kausap Niyang si Moises – sumakanya ang pangangalaga – at sa mga propeta at mga sugo. Ang mga tagapagmana nila ay may bahagi mula sa pagmamalasakit na ito alinsunod sa mga kalagayan nila kay Allāh. info

• من الهداية العامة للمخلوقات أن تجد كل مخلوق يسعى لما خلق له من المنافع، وفي دفع المضار عن نفسه.
Bahagi ng kapatnubayang pangkalahatan para sa mga nilikha na makatagpo ng mga pakinabang ang bawat nilikha na nagpupunyagi para sa pagkakalikha rito at sa pagtutulak sa mga pinsala palayo sa sarili nito. info

• بيان فضيلة الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر، وأن ذلك يكون باللين من القول لمن معه القوة، وضُمِنَت له العصمة.
Ang paglilinaw sa kalamangan ng pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama at iyon ay sa pamamagitan ng kabanayaran sa pagsasabi sa sinumang mayroong lakas at ginarantiya para sa kanya ang pangangalaga. info

• الله هو المختص بعلم الغيب في الماضي والحاضر والمستقبل.
Si Allāh ay ang natatangi sa kaalaman sa Lingid sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. info