আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
29 : 13

ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ طُوبَىٰ لَهُمۡ وَحُسۡنُ مَـَٔابٖ

Itong mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalapit sa kanila kay Allāh, ukol sa kanila ay isang pamumuhay na kaaya-aya sa Kabilang-buhay at ukol sa kanila ay ang kahihinatnang maganda, ang Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 13

كَذَٰلِكَ أَرۡسَلۡنَٰكَ فِيٓ أُمَّةٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهَآ أُمَمٞ لِّتَتۡلُوَاْ عَلَيۡهِمُ ٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَهُمۡ يَكۡفُرُونَ بِٱلرَّحۡمَٰنِۚ قُلۡ هُوَ رَبِّي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ مَتَابِ

Tulad ng pagsusugong ito na nagsugo Kami sa pamamagitan nito ng mga naunang sugo sa mga kalipunan nila, nagsugo Kami sa iyo, O Sugo, sa kalipunan mo upang bigkasin mo sa kanila ang Qur'ān na ikinasi Namin sa iyo sapagkat ito ay nakasasapat sa pagpapatunay sa katapatan mo, subalit ang kalagayan ng mga tao mo ay na sila ay nagkakaila sa tandang ito dahil sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain yayamang nagtatambal sila kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang Napakamaawain na tinatambalan ninyo ng iba pa sa Kanya ay ang Panginoon ko; walang sinasamba ayon sa karapatan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko." info
التفاسير:

external-link copy
31 : 13

وَلَوۡ أَنَّ قُرۡءَانٗا سُيِّرَتۡ بِهِ ٱلۡجِبَالُ أَوۡ قُطِّعَتۡ بِهِ ٱلۡأَرۡضُ أَوۡ كُلِّمَ بِهِ ٱلۡمَوۡتَىٰۗ بَل لِّلَّهِ ٱلۡأَمۡرُ جَمِيعًاۗ أَفَلَمۡ يَاْيۡـَٔسِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَهَدَى ٱلنَّاسَ جَمِيعٗاۗ وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ تُصِيبُهُم بِمَا صَنَعُواْ قَارِعَةٌ أَوۡ تَحُلُّ قَرِيبٗا مِّن دَارِهِمۡ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ وَعۡدُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ

Kung sakaling nangyaring bahagi ng mga katangian ng isang aklat kabilang sa mga aklat na makadiyos ay na maalis sa pamamagitan nito ang mga bundok buhat sa mga lugar ng mga ito o magkabitak-bitak ang lupa para maging mga ilog at mga bukal o mabigkas ito sa mga patay para sila ay maging mga buhay, talagang iyon ay itong Qur’ān na ibinaba sa iyo, O Sugo, sapagkat ito ay maliwanag ang patotoo at dakila ang epekto kung sakaling sila ay naging mga mapangilag sa pagkakasala ang mga puso subalit sila ay mga nagkakaila. Bagkus sa kay Allāh ang pag-uutos sa kabuuan nito sa pagpapababa sa mga himala at iba pa sa mga ito. Kaya hindi ba nakaaalam ang mga mananampalataya hinggil kay Allāh na kung sakaling niloloob ni Allāh ang kapatnubayan sa mga tao sa kalahatan nang walang pagpapababa ng mga tanda ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa kanila sa kalahatan nang wala ng mga ito? Subalit Siya ay hindi lumuob niyon. Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na tinatamaan ng anumang ginawa nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang kasawiang matindi na dumadagok sa kanila o bumababa ang kasawiang iyon malapit sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh sa pagbaba ng pagdurusang nagpapatuloy. Tunay na si Allāh ay hindi nag-iiwan sa pagsasakatuparan ng naipangako Niya kapag dumating ang oras nitong tinakdaan para rito. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 13

وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَأَمۡلَيۡتُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ ثُمَّ أَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ عِقَابِ

Ikaw ay hindi unang sugong pinasinungalingan ng mga tao nito at tinuya nila sapagkat may nangutya nga na mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, sa mga sugo sa mga iyon at nagpasinungaling ang mga iyon sa mga ito, ngunit nagpalugit Ako sa mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila hanggang sa nagpalagay sila na Ako ay hindi magpapahamak sa kanila. Pagkatapos dumaklot Ako sa kanila matapos ng pagpapalugit sa pamamagitan ng mga uri ng pagdurusa, kaya papaano naging ang parusa Ko sa kanila? Talaga ngang ito ay naging isang parusang matindi. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 13

أَفَمَنۡ هُوَ قَآئِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۗ وَجَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ قُلۡ سَمُّوهُمۡۚ أَمۡ تُنَبِّـُٔونَهُۥ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَم بِظَٰهِرٖ مِّنَ ٱلۡقَوۡلِۗ بَلۡ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ مَكۡرُهُمۡ وَصُدُّواْ عَنِ ٱلسَّبِيلِۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ

Kaya ba ang sinumang siya ay isang tagapagpanatili sa pangangalaga sa mga panustos ng lahat ng nilikha, na mapagmasid sa bawat kaluluwa sa anumang nakamit nito na gawa para gumanti siya rito sa mga gawa nito ay higit na karapat-dapat sambahin o ang mga anitong ito na walang karapatang ukol sa mga ito na sambahin? Gumawa nga sa mga ito ang mga tagatangging sumampalataya bilang mga katambal para kay Allāh dala ng kawalang-katarungan at kabulaanan. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Pangalanan ninyo sa amin ang mga katambal na sinamba ninyo kasama kay Allāh kung kayo ay naging mga tapat sa pag-aangkin ninyo. O nagpapabatid ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa lupa na mga katambal o nagpapabatid kayo hinggil sa hayag mula sa sinabi, na walang reyalidad dito?" Bagkus pinaganda ng demonyo para sa mga tumangging sumampalataya ang pagpaplano nilang masagwa. Kaya tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at naglihis Siya sa kanila palayo sa daan ng katinuan at kapatnubayan. Ang sinumang ililigaw ni Allāh palayo sa landas ng katinuan ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay na papatnubay sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 13

لَّهُمۡ عَذَابٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَقُّۖ وَمَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٖ

Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay na pangmundo sa pamamagitan ng sumasapit sa kanila na pagkapatay at pagkabihag sa mga kamay ng mga mananampalataya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na matindi at higit na mabigat kaysa sa pagdurusa sa Mundo dahil sa taglay nito na katindihan at pamamalaging hindi napuputol. Walang ukol sa kanila na tagapigil na magsasanggalang sa kanila laban sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• أن الأصل في كل كتاب منزل أنه جاء للهداية، وليس لاستنزال الآيات، فذاك أمر لله تعالى يقدره متى شاء وكيف شاء.
Na ang pangunahing panuntunan sa bawat kasulatang ibinaba ay na ito ay dumating para sa kapatnubayan at hindi para sa paghiling ng pagpapababa ng mga tanda sapagkat iyon ay bagay na ukol kay Allāh – pagkataas-taas Siya – na itinatakda Niya kapag niloob Niya at kung papaanong niloob Niya. info

• تسلية الله تعالى للنبي صلى الله عليه وسلم، وإحاطته علمًا أن ما يسلكه معه المشركون من طرق التكذيب، واجهه أنبياء سابقون.
Ang pagpapalubag-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – para sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pagpapaabot Niya ng kaalaman na ang inaasal sa kanya ng mga tagapagtambal na mga pamamaraan ng pagpapasinungaling ay nakaharap ng mga propetang nauna. info

• يصل الشيطان في إضلال بعض العباد إلى أن يزين لهم ما يعملونه من المعاصي والإفساد.
Umaabot ang demonyo sa pagliligaw sa ilan sa mga tao sa pagpapaakit sa kanila ng ginagawa nilang mga pagsuway at mga pagtitiwali. info