আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
104 : 12

وَمَا تَسۡـَٔلُهُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ

Kung sakaling nakapag-unawa sila ay talaga sanang sumampalataya sila sa iyo dahil ikaw ay hindi humiling mula sa kanila ng gantimpala, O Sugo, dahil sa Qur'ān ni dahil sa nag-aanyaya ka sa kanila sapagkat walang iba ang Qur'ān kundi isang pagpapaalaala para sa lahat ng mga tao. info
التفاسير:

external-link copy
105 : 12

وَكَأَيِّن مِّنۡ ءَايَةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ يَمُرُّونَ عَلَيۡهَا وَهُمۡ عَنۡهَا مُعۡرِضُونَ

Marami ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na nakakalat sa mga langit at sa lupa, na dumaraan sila sa mga iyon samantalang sila sa pagmumuni-muni sa mga iyon ay mga tagaayaw, na hindi pumapansin sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
106 : 12

وَمَا يُؤۡمِنُ أَكۡثَرُهُم بِٱللَّهِ إِلَّا وَهُم مُّشۡرِكُونَ

Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa mga tao kay Allāh na Siya ay ang Tagalikha, ang Palatustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan malibang habang sila ay sumasamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at mga diyus-diyusan, at nag-aangkin na mayroon Siyang anak – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
107 : 12

أَفَأَمِنُوٓاْ أَن تَأۡتِيَهُمۡ غَٰشِيَةٞ مِّنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ أَوۡ تَأۡتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

Kaya natiwasay ba ang mga tagapagtambal na ito na pumunta sa kanila ang isang kaparusahan sa Mundo na maglulubog sa kanila at lulukob sa kanila, na hindi nila nakakakayang itulak iyon, o na pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakadarama sa pagpunta nito para makapaghanda sila para rito, kaya dahil doon hindi sila sumampalataya? info
التفاسير:

external-link copy
108 : 12

قُلۡ هَٰذِهِۦ سَبِيلِيٓ أَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا۠ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِيۖ وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang inaanyayahan mo: "Ito ay daan ko na nag-aanyaya ako sa mga tao tungo rito. Ayon sa katwirang maliwanag, nag-aanyaya tungo roon ako at nag-aanyaya tungo roon ang sinumang sumunod sa akin, napatnubayan sa patnubay ko, at nagsabuhay sa kalakaran ko. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang iniugnay sa Kanya kabilang sa anumang hindi nababagay sa kapitaganan sa Kanya o sumasalungat sa kalubusan Niya. Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh, bagkus ako ay kabilang sa mga naniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya."
info
التفاسير:

external-link copy
109 : 12

وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰٓۗ أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۗ وَلَدَارُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaki kabilang sa mga tao, hindi mga anghel. Nagkakasi Kami sa kanila kung paanong nagkakasi Kami sa iyo, kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod, hindi kabilang sa mga naninirahan sa mga ilang. Ngunit nagpasinungaling sa kanila ang mga kalipunan nila kaya nagpahamak Kami sa mga iyon. Kaya hindi ba naglakbay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo sa lupa para magmuni-muni sila kung papaano ang naging wakas ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa mga iyon? Ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala kay Allāh sa Mundo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa na iyon ay higit na mabuti para mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang pananampalataya, at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na ang pinakamalaki sa mga ito ay ang pagtatambal kay Allāh? info
التفاسير:

external-link copy
110 : 12

حَتَّىٰٓ إِذَا ٱسۡتَيۡـَٔسَ ٱلرُّسُلُ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ قَدۡ كُذِبُواْ جَآءَهُمۡ نَصۡرُنَا فَنُجِّيَ مَن نَّشَآءُۖ وَلَا يُرَدُّ بَأۡسُنَا عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ

Ang mga sugong ito na isinusugo Namin ay nagpalugit Kami sa mga kaaway nila at hindi Kami nagmamadali sa mga iyon ng kaparusahan bilang pagpapain sa mga iyon. Hanggang sa nang naantala ang pagpapahamak sa mga iyon, nawalan ng pag-asa ang mga sugo sa kapahamakan ng mga iyon, at nakatiyak ang mga tagatangging sumampalataya na ang mga sugo nila ay nagsinungaling sa kanila sa ipinangako ng mga ito sa kanila na parusa para sa mga tagapagpasinungaling at pagliligtas sa mga mananampalataya, dumating naman ang pag-aadya Namin para sa mga sugo Namin. Nailigtas ang mga sugo at ang mga mananampalataya mula sa kapahamakan na magaganap sa mga tagapagpasinungaling. Hindi napipigil ang pagpaparusa Namin sa mga taong salarin kapag magbababa Kami nito sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
111 : 12

لَقَدۡ كَانَ فِي قَصَصِهِمۡ عِبۡرَةٞ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِۗ مَا كَانَ حَدِيثٗا يُفۡتَرَىٰ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Talaga ngang sa mga kasaysayan ng mga sugo, mga kasaysayan ng mga kalipunan nila, at sa kasaysayan ni Jose at ng mga kapatid niya ay may naging pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga may isip na malusog. Ang Qur'ān na naglalaman niyon ay hindi naging isang pananalitang nilikha-likhang ipinagsinungaling laban kay Allāh. Bagkus ito ay naging isang pagpapatotoo para sa mga kasulatang makalangit na ibinaba mula sa ganang kay Allāh, isang pagdedetalye para sa bawat nangangailangan ng pagdedetalye na mga patakaran at mga batas, isang paggagabay para sa bawat mabuti, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya rito sapagkat sila ay nakikinabang sa anumang narito. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• أن الداعية لا يملك تصريف قلوب العباد وحملها على الطاعات، وأن أكثر الخلق ليسوا من أهل الهداية.
Ang tagapag-anyaya sa pananampalataya ay hindi nakakakaya sa pagpapabaling sa mga puso ng mga tao at pagdadala sa mga ito sa mga pagtalima, at na ang higit na marami sa nilikha ay hindi kabilang sa mga karapat-dapat sa kapatnubayan. info

• ذم المعرضين عن آيات الله الكونية ودلائل توحيده المبثوثة في صفحات الكون.
Ang pagpupula sa mga tagaayaw sa mga tandang pangsansinukob ni Allāh at mga patunay ng paniniwala sa kaisahan Niya, na nakakalat sa mga pahina ng Sansinukob . info

• شملت هذه الآية ﴿ قُل هَذِهِ سَبِيلِي...﴾ ذكر بعض أركان الدعوة، ومنها: أ- وجود منهج:﴿ أَدعُواْ إِلَى اللهِ ﴾. ب - ويقوم المنهج على العلم: ﴿ عَلَى بَصِيرَةٍ﴾. ج - وجود داعية: ﴿ أَدعُواْ ﴾ ﴿أَنَا﴾. د - وجود مَدْعُوِّين: ﴿ وَمَنِ اتَّبَعَنِي ﴾.
Sumaklaw ang talatang ito (Qur'ān 12:108): "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin." sa pagbanggit sa ilan sa mga saligan ng pag-aanyaya sa pananampalataya. Kabilang sa mga ito: A. Pagkakaroon ng isang metodolohiya: "nag-aanyaya ako tungo kay Allāh;" B. Nakasalig ang metodolohiya sa kaalaman: "ayon sa pagkatalos;" C. Pagkakaroon ng isang tagapag-anyaya: "nag-aanyaya ako;" D. Pagkakaroon ng mga inaanyayahan: "ang sinumang sumunod sa akin." info