আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
98 : 11

يَقۡدُمُ قَوۡمَهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَأَوۡرَدَهُمُ ٱلنَّارَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡوِرۡدُ ٱلۡمَوۡرُودُ

Mauuna si Paraon sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon patungo sa Impiyerno hanggang sa magpasok siya roon. Kay sagwa ang hatiran na paghahatiran niya sa kanila!
info
التفاسير:

external-link copy
99 : 11

وَأُتۡبِعُواْ فِي هَٰذِهِۦ لَعۡنَةٗ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ بِئۡسَ ٱلرِّفۡدُ ٱلۡمَرۡفُودُ

Pinasundan sila ni Allāh sa buhay na pangmundo ng isang sumpa, isang pagtataboy, at isang pagpapalayo mula sa awa Niya kalakip ng tumama sa kanila na kapahamakan sa pamamagitan ng pagkalunod. Pasusundan Niya sila ng isang pagtataboy at isang pagpapalayo mula roon sa Araw ng Pagbangon. Kay sagwa ang nangyari sa kanila na pagsusunuran ng dalawang sumpa at pagdurusa sa Mundo at Kabilang-buhay! info
التفاسير:

external-link copy
100 : 11

ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡقُرَىٰ نَقُصُّهُۥ عَلَيۡكَۖ مِنۡهَا قَآئِمٞ وَحَصِيدٞ

Ang nabanggit na iyon sa kabanatang ito [ng Qur'ān] ay bahagi ng mga ulat ng mga pamayanan, na nagpapabatid Kami sa iyo hinggil doon, O Sugo. Kabilang sa mga pamayanang ito ay ang nakatayo pa ang mga palatandaan at kabilang sa mga ito ay ang nabura na ang mga palatandaan nito kaya walang naiwang bakas para rito. info
التفاسير:

external-link copy
101 : 11

وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡۖ فَمَآ أَغۡنَتۡ عَنۡهُمۡ ءَالِهَتُهُمُ ٱلَّتِي يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖ لَّمَّا جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَمَا زَادُوهُمۡ غَيۡرَ تَتۡبِيبٖ

Hindi lumabag sa katarungan sa kanila dahil sa pinatama sa kanila na kapahamakan, subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh. Saka ang mga diyos na dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng bumaba sa kanila na pagdurusa noong dumating ang utos ng Panginoon mo, O Sugo, ng pagpapahamak sa kanila. Walang naidagdag sa kanila ang mga diyos nilang ito kundi isang pagkalugi at isang kapahamakan. info
التفاسير:

external-link copy
102 : 11

وَكَذَٰلِكَ أَخۡذُ رَبِّكَ إِذَآ أَخَذَ ٱلۡقُرَىٰ وَهِيَ ظَٰلِمَةٌۚ إِنَّ أَخۡذَهُۥٓ أَلِيمٞ شَدِيدٌ

Gayon ang pagdaklot at ang pagpuksa na ipinandadlot ni Allāh sa mga pamayanang nagpapasinungaling sa bawat panahon at pook. Tunay na ang pagdaklot Niya sa mga pamayanang tagalabag sa katarungan ay isang pagdaklot na nakasasakit na malakas. info
التفاسير:

external-link copy
103 : 11

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّمَنۡ خَافَ عَذَابَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّجۡمُوعٞ لَّهُ ٱلنَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّشۡهُودٞ

Tunay na sa pagkuha na matindi ni Allāh sa mga pamayanang iyon na lumalabag sa katarungan ay talagang may maisasaalang-alang at pangaral para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Iyon ay ang araw na titipunin ni Allāh ang mga tao para sa pagtutuos sa kanila. Iyon ay araw na sasaksihan, na sasaksi roon ang mga tao sa Kalapan (ng mga tao sa Araw ng Pagkabuhay). info
التفاسير:

external-link copy
104 : 11

وَمَا نُؤَخِّرُهُۥٓ إِلَّا لِأَجَلٖ مَّعۡدُودٖ

Hindi Kami nag-aantala ng araw na sasaksihang iyon maliban sa isang taning na nalalaman ang bilang. info
التفاسير:

external-link copy
105 : 11

يَوۡمَ يَأۡتِ لَا تَكَلَّمُ نَفۡسٌ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ فَمِنۡهُمۡ شَقِيّٞ وَسَعِيدٞ

Sa araw na darating ang araw na iyon, walang magsasalitang alinmang kaluluwa hinggil sa isang katwiran o isang pamamagitan malibang matapos ng pahintulot Niya. Ang mga tao roon ay dalawang uri: malumbay na papasok sa Apoy at maligaya na papasok sa Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
106 : 11

فَأَمَّا ٱلَّذِينَ شَقُواْ فَفِي ٱلنَّارِ لَهُمۡ فِيهَا زَفِيرٞ وَشَهِيقٌ

Hinggil sa mga malumbay dahil sa kawalang-pananampalataya nila at katiwalian ng mga gawain nila, papasok sila sa Apoy. Aangat doon ang mga tinig nila at ang mga paghinga nila dahil sa tindi ng ipinagdurusa nila dahil sa liyab nito. info
التفاسير:

external-link copy
107 : 11

خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ

Bilang mga mamamalagi roon magpakailanman, hindi sila makalalabas mula roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa niloob ni Allāh na palabasin kabilang sa mga tagasuway ng mga monoteista. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay palagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya roon – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
108 : 11

۞ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ سُعِدُواْ فَفِي ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۖ عَطَآءً غَيۡرَ مَجۡذُوذٖ

Hinggil sa mga maligaya na nauna sa kanila ang kaligayahan mula kay Allāh dahil sa pananampalataya nila at kaayusan ng mga gawain nila, sila ay sa Paraiso bilang mga mamamalagi roon magpakailanman hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa niloob ni Allāh na papasukin sa Apoy bago ng Paraiso kabilang sa mga tagasuway ng mga mananampalataya. Tunay na ang kaginhawahang dulot ni Allāh para sa mga maninirahan sa Paraiso ay hindi mapuputol sa kanila. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• التحذير من اتّباع رؤساء الشر والفساد، وبيان شؤم اتباعهم في الدارين.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsunod sa mga pinuno ng kasamaan at kaguluhan at ang paglilinaw sa kasawiang-palad ng pagsunod sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay. info

• تنزه الله تعالى عن الظلم في إهلاك أهل الشرك والمعاصي.
Ang pagpapawalang-kaugnayan ni Allāh sa kawalang-katarungan kaugnay sa pagpapahamak sa mga kampon ng shirk at mga pagsuway. info

• لا تنفع آلهة المشركين عابديها يوم القيامة، ولا تدفع عنهم العذاب.
Hindi nagpapakinabang ang mga diyos ng mga tagapagtambal sa mga tagasamba ng mga ito sa Araw ng Pagbangon at hindi nakapagtutulak ang mga ito ng pagdurusa palayo sa kanila. info

• انقسام الناس يوم القيامة إلى: سعيد خالد في الجنان، وشقي خالد في النيران.
Ang pagkakahati ng mga tao sa Araw ng Pagbangon sa mga maligayang mananatili sa mga hardin at malumbay na mananatili sa mga apoy. info