Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - 简易古兰经经注菲律宾语(他加禄语)翻译

Số trang:close

external-link copy
68 : 25

وَٱلَّذِينَ لَا يَدۡعُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ وَلَا يَقۡتُلُونَ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَا يَزۡنُونَۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ يَلۡقَ أَثَامٗا

[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa iba pang sinasamba, hindi pumapatay ng taong nagbawal si Allāh ng pagpatay niyon malibang ayon sa pahintulot ni Allāh gaya ng pagpatay sa pumatay o murtadd o nakapag-asawang nangalunya, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa ng mga malaking kasalanan na ito ay makatatagpo siya sa Araw ng Pagbangon ng kaparusahan sa anumang nagawa niyang kasalanan: info
التفاسير:

external-link copy
69 : 25

يُضَٰعَفۡ لَهُ ٱلۡعَذَابُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَيَخۡلُدۡ فِيهِۦ مُهَانًا

pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya sa pagdurusa na isang kaaba-abang kalait-lait. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 25

إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلٗا صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمۡ حَسَنَٰتٖۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

Subalit ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos, na nagpapatunay sa katapatan ng pagbabalik-loob niya, ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng magandang gawa ang ginawa nilang mga gawang masagwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 25

وَمَن تَابَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَإِنَّهُۥ يَتُوبُ إِلَى ٱللَّهِ مَتَابٗا

Ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh at nagpatotoo sa katapatan ng pagbabalik-loob niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan ng mga pagsuway, tunay na ang pagbabalik-loob niya ay isang tanggap na pagbabalik-loob. info
التفاسير:

external-link copy
72 : 25

وَٱلَّذِينَ لَا يَشۡهَدُونَ ٱلزُّورَ وَإِذَا مَرُّواْ بِٱللَّغۡوِ مَرُّواْ كِرَامٗا

[Sila] ang mga hindi dumadalo sa kabulaanan gaya ng mga lugar ng mga pagsuway at mga libangang ipinagbabawal. Kapag naparaan sila sa satsatan kabilang sa imbi sa mga sinasabi at mga ginagawa ay dumaraan sila nang pagdaan na tumatawid habang mga nagpaparangal sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paglalayo sa mga ito sa pakikihalubilo roon. info
التفاسير:

external-link copy
73 : 25

وَٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَمۡ يَخِرُّواْ عَلَيۡهَا صُمّٗا وَعُمۡيَانٗا

[Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ni Allāh na naririnig at nasasaksihan ay hindi nabibingi sa mga tainga nila sa mga tandang naririnig at hindi nabubulag sa mga tandang nasasaksihan. info
التفاسير:

external-link copy
74 : 25

وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبۡ لَنَا مِنۡ أَزۡوَٰجِنَا وَذُرِّيَّٰتِنَا قُرَّةَ أَعۡيُنٖ وَٱجۡعَلۡنَا لِلۡمُتَّقِينَ إِمَامًا

[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga anak namin ng magiging galak ng mata para sa amin dahil sa pangingilag nito sa pagkakasala at pananatili nito sa katotohanan, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang mga tagapanguna sa katotohanan, na tinutularan." info
التفاسير:

external-link copy
75 : 25

أُوْلَٰٓئِكَ يُجۡزَوۡنَ ٱلۡغُرۡفَةَ بِمَا صَبَرُواْ وَيُلَقَّوۡنَ فِيهَا تَحِيَّةٗ وَسَلَٰمًا

Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gagantihan ng mga silid na mataas sa Firdaws na Pinakamataas ng Paraiso dahilan sa pagtitiis nila sa pagtalima kay Allāh at sasalubungin doon ng mga anghel ng pagbati at kapayapaan at maliligtas doon mula sa mga kasiraan info
التفاسير:

external-link copy
76 : 25

خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ حَسُنَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا

bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kay ganda iyon bilang lugar ng pagtigil na titigilan nila at bilang lugar ng pananatili na pananatilihan nila. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 25

قُلۡ مَا يَعۡبَؤُاْ بِكُمۡ رَبِّي لَوۡلَا دُعَآؤُكُمۡۖ فَقَدۡ كَذَّبۡتُمۡ فَسَوۡفَ يَكُونُ لِزَامَۢا

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila: "Hindi pumapansin sa inyo ang Panginoon ko dahil sa isang kapakinabangang nauuwi sa Kanya mula sa pagtalima ninyo. Kung hindi dahil mayroon Siyang mga lingkod na dumadalangin sa Kanya ng panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghingi ay talaga sanang hindi Siya pumansin sa inyo. Ngunit nagpasinungaling nga kayo sa Sugo sa inihatid niya sa inyo mula sa Panginoon ninyo kaya ang ganti sa pagpapasinungaling ay magiging kumakapit sa inyo." info
التفاسير:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• من صفات عباد الرحمن: البعد عن الشرك، وتجنُّب قتل الأنفس بغير حق، والبعد عن الزنى، والبعد عن الباطل، والاعتبار بآيات الله، والدعاء.
Kabilang sa mga katangian ng mga lingkod ng Napakamaawain ay ang paglayo sa shirk, ang pag-iwas sa pagpatay ng mga tao nang walang karapatan, ang paglayo sa pangangalunya, ang paglayo sa kabulaanan, ang pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh, at ang pagdalangin. info

• التوبة النصوح تقتضي ترك المعصية وفعل الطاعة.
Ang tapat na pagbabalik-loob ay humihiling ng pag-iwan sa pagsuway at ng paggawa ng pagtalima. info

• الصبر سبب في دخول الفردوس الأعلى من الجنة.
Ang pagtitiis ay isang kadahilanan sa pagpapasok sa Firdaws na Pinakamataas ng Paraiso. info

• غنى الله عن إيمان الكفار.
Ang kawalang-pangangailangan ni Allāh sa pagsampalataya ng mga tagatangging sumampalataya. info