ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

external-link copy
17 : 49

يَمُنُّونَ عَلَيۡكَ أَنۡ أَسۡلَمُواْۖ قُل لَّا تَمُنُّواْ عَلَيَّ إِسۡلَٰمَكُمۖ بَلِ ٱللَّهُ يَمُنُّ عَلَيۡكُمۡ أَنۡ هَدَىٰكُمۡ لِلۡإِيمَٰنِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Nanunumbat sa iyo, O Sugo, ang mga Arabeng disyerto na ito ng pagpapasakop nila sa Islām. Sabihin mo sa kanila: "Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpasok ninyo sa relihiyon ni Allāh sapagkat ang pakinabang niyon – kung mangyayari – ay mauuwi sa inyo, bagkus si Allāh ay ang nagmamagandang-loob sa inyo sa pamamagitan ng pagtuon sa inyo sa pananampalataya sa Kanya, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo na kayo ay pumasok doon." info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• سوء الظن بأهل الخير معصية، ويجوز الحذر من أهل الشر بسوء الظن بهم.
Ang kasagwaan ng pagpapalagay sa mga alagad ng kabutihan ay isang pagsuway. Ipinahihintulot ang pag-iingat laban sa mga alagad ng kasamaan sa pamamagitan ng masagwang pagpapalagay sa kanila. info

• وحدة أصل بني البشر تقتضي نبذ التفاخر بالأنساب.
Ang kaisahan ng pinagmulan ng mga anak ng Sangkatauhan ay humihiling ng pagwawaksi ng pagmamayabangan sa mga kaangkanan. info

• الإيمان ليس مجرد نطق لا يوافقه اعتقاد، بل هو اعتقاد بالجَنان، وقول باللسان، وعمل بالأركان.
Ang pananampalataya ay hindi isang payak na pagbigkas na hindi nasasang-ayunan ng paniniwala, bagkus ito ay paniniwala sa pamamagitan ng puso, pagsasabi sa pamamagitan ng dila, at paggawa sa mga saligan [ng pananampalataya]. info

• هداية التوفيق بيد الله وحده وهي فضل منه سبحانه ليست حقًّا لأحد.
Ang kapatnubayan sa pagkakatuon [sa tama] ay nasa kamay ni Allāh lamang. Ito ay isang kabutihang-loob mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Hindi ito isang karapatan ng isa man. info